Ang Sanggol sa Bilbao

Sa Bilbao St. kami noon nakatira. Sa aking pagkakatanda, natira kami roon hanggang ako ay mag-aapat na taon pa lamang. Nagtitinda ang aking mga magulang ng kalamansi sa Divisoria.

Mabait raw ako noong sanggol pa lamang ako. Hindi raw ako pala-iyak. Basa na raw ang lampin ko ay tahimik pa rin daw ako sa aking higaan. Gutumin mo raw ako kahit na kalahating araw e hindi pa rin daw ako kikibo. Itinatali na raw ang aking paa't kamay ay hindi pa rin daw ako umaangal.

Itinatali???

Oo. Nagkaroon daw akong yaya na nabuking ng mga magulang ko nang minsang umuwi sila ng maaga galing sa kanilang negosyo. Nakatali raw ang aking mga paa't kamay pero nakangiti pa raw ako. Galit na galit daw ang daddy ko at nag-iiyak sa awa ang mommy ko. Imagine! Wala pa yata akong tatlong buwan noon! Sabi ni mommy, nasipa raw yata ni daddy ang yaya at pinalayas ng oras ding iyon.

No comments: